“Bago dapat maglaro ay mananalangin muna sa Diyos para bigyan kami ng kalakasan para manalo” sambit ng isang manlalaro. Isa rin sa pagbabagong nangyari sa Golden City ngayong taon ay ang pagbubukas ng bagong sports para sa mga batang may kakayahan sa pag-uunat ng kanilang mga buto at ang pagiging “flexible” nila, ito ay ang Gymnastics sa pangunguna ng coach nila na si Lorainne Y. Saway. Nasungkit ng Golden City Annex ang ikatlong pwesto sa “overall sports” sa buong division ng Imus, Cavite dahil sa husay at galing na ipinamalas ng mga atleta sa taon na ito. 13 gintong medalya, 3 pilak at 2 ginto lang naman ay hinakot ng mga manlalaro ng Golden sa iba’t ibang larangan sa sports.
Sa basketball, waging wagi hanggang dulo ang ating manlalaro na nagkamit ng ikalawang karangalan sa advance game sa buong paaralan ng Imus, City. Sina Calvin Clyde Modesto at si Christian Pascua ang dalawa sa mga atletang pinalad na makasali sa City Meet. Sa larangan naman ng swimming, hindi padadaig ang ating pambato na si Celestine Modesto na nag uwi ng 5 gintong medalya dahil sa determinasyon nito na manalo hanggang dulo. Isa rin siya sa manlalaro natin na nakasama sa City Meet. |
Sa kabila ng hirap sa pagsasanay araw araw ay hindi nila hinayaan na mapanghinaan sila ng loob at mapagod hanggang sa dumating ang araw ng kanilang mga laban.
Napakapalad ng mga batang sumali dahil sa unang pagkakataon na pagsabak sa ganitong sports ay nag uwi pa rin sila ng karangalan sa eskwelahan. “Masaya po ako dahil nagkaroon po ng sports na Gymnastics sa paaralan, mas maeensayo ko ang kakayahan ko sa pag tumbling” sabi ng isang manlalaro sa gymnatics. Patuloy ang suporta ng lahat sa mga manlalaro ng Golden City, mga guro, magulang at maging ang punungguro. At sa tagumpay na nakamit at makakamit pa nila hanggang sa mga susunod na mga taon ang magiging isa sa mga panghahawakan nila upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay na may baon na mapagkumbabang kalooban. Kaugnay nito, patuloy na lalaban ang mga atleta ng Golden upang sa susunod ay gintong medalya naman ang maiuwi para sa ikararangal ng aming paaralan kaya HATAW LANG AT LABAN! |
Maswerte ang Mababang Paaralan ng Pasong Santol-Golden City Annex nang makatanggap ang lahat ng silid-aralan ng Smart TV’s na ginagamit ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral nito lamang Setyembre 2018.
Nanggaling ang mga TV sa Local Government Unit (LGU) sa pangunguna ng ating punong bayan na si Mayor Emmanuel L. Maliksi. “Malaki ang maitutulong ng mga ito para mas mapadali ang mga leksyon na aming ituturo sapagkat alam nating ang mga bata sa panahong ito ay “Hi-tech” na at madaling nakasusunod sa bilis ng teknolohiya.”, wika ni Gng. Ariel Dela Cruz, guro ng paaralan. |
Ginanap ang Deworming Kick Off noong Agosto 1, 2018 na dinaluhan ng lahat ng mga punongguro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng Imus at ni Dr. Editha Atendido, ASDS ng dibisyon.
Isang pribilehiyo na iganap ang Division Deworming Kick-Off sa ating paaralan. Malaking paghahanda ang ginawa sapagkat ito ang kauna unahan malaking programa na mangyayari sa paaralan ng Golden,ginanap ito noong ika ng Hulyo. |
Layunin ng programang ito na mapataas ang pursyente ng mapupurgang bilang ng mga mag aaral ng Golden City upang mabawasan ang mga batang matamlay,sakitin at malnourished. Marami ang nakilahok at pumunta sa programa kaya maliban sa programa ay nagpakitang bilang ang mga bata kng saan ito ang pinakmahalagang bagay upang mapukaw ang atensyon ng bawat bata sa masamang epektong dulot ng mga bulate at pagkatapos ay isinagawa na ang pagbibigay ng gamot sa mga bata ng mga nars. Ayon sa nakalap na bilang malaki an itinaas ng pursenyo kumpara sa nakaraang taon.mula ay nagging 93% ito. Kaya malaking pagsubok at hapon na mapanatili muli at tangkilin at pagpupurga ng mga bata sa Golden City.Hiling sana na sa mga susunod na taon ay muling suportahan natin ang paghikayat at payagan sana na mapurga ang iyong mga anak para sa kanilang magandang kalusugan. |
Nakagawian na sa pagsapit ng Hulyo idinaraos ang Araw ng Nutrisyon, isa itong mahalaga at malaking selebrasyon kung saan isang buong buwan idipinagdriwang ang okasyon nato, upang bigyan tuon at pansin ang malaking isyu na ating kinakaharap at suliranin ang kagutuman at malnutrisyon.
Sinasabing mahalang bagay na dapat malusog at malakas ang mga bata upang maayos at aktibo nilang magagawa ang lahat ng gawaing sa paaralaan at loob ng klase. Sa pangunguna ng Kagawaran ng Kalusugan at tulong narin ng Kagawaran ng Edukasyon inilunsad ang temang “Healthy diet, gawing habit for Life!” kaya ang Pses-Golden City ay malugod na nakilahok sa programang ito. “Ang saya po ng nutrisyon day, ang daming pagkain at malaman po naming yung mga masusustansiyang pagkain.” sabi ni Johncent Seco “Sumayaw po kami kaya nagenjoy po talaga ako sa naging celebrasyon ng araw ng nutrisyon tapos po nalaman ko po kung anong mga pagkain ang kabilang sa Go, Glow and Grow.” pahabol naman ni Justine Mark Caberoy. |
Maraming iba’t ibang pakulo at patimpalak at sinagawa tulad ng Salad making, slogan at poster making, pagandahan ng booth, essay writing at pahusayan sa pagtula at marami pang iba at pagkatapos ay binigyan ng sertipiko at premyo ang mga nanalo. Puro mas binigyan importansya sa bawat mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangawatan. Naging matagumpay ang selebrasyon dahil nadin sa tulong ng lahat ng mga magulang, GPTA Officers at ng pamunuan ng paaralan. |
Alam mo ba?????
Ang United Nations Day o Araw ng mga Bansang Nagkakaisa ay pandaigdigang ipinagdiriwang tuwing Oktubre 24 na may hangaring ipabatid sa mga tao sa buong mundo ang mga layunin, hangarin, at tagumpay ng UN. Ginugunita nito ang pagkabuo ng United Nations Origanization sa araw na iyon noong 1945nang pinagtibay ng lahat ng permanenteng kasapi ng konseho ng seguridad at higit sa kalahati ng mga signatory ang UN Charter. Bahagi ng United Nations Week, Oktubre 20-26, ang araw na nito. · May apat na layunin ang United Nations: panatiliin ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad; paunlarin ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa; makipagtulungan sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning pandaigdig at sa pagtataguyod ng respeto para sa karapatang pantao; at maging sentro ng pagkakasundo ng mga bansa. May 30 kaanib na organisasyon na nagtutulungan sa pagpapatupad ng mga layuning ito. · Ang United Nations ay hindi isang pandaigdigang pamahalaan; hindi ito gumagawa ng batas. Gayon man, naglalaan ang United Nations ng paraan upang hanapan ng solusyon ang mga pandaigdigang labanan/tunggalian at nagbabalangkas ito ng mga polisiya na may epekto sa buhay nating lahat. |
· Ang lahat ng Kasaping Bansa/Estado ng United Nations—Malaki man at maliit, mayaman at mahirap, at nagtataglay ng iba’t ibang paniniwalang pulitikal at sistemang panlipunan—ay mayroong boses at boto sa United Nations. · Binibigyan ng United Nations ang mga bansa ng pagkakataon na balansehin ang kapakanan ng estado kumpara sa global interdependence sa pagharap sa mga suliraning pandaigdig. Ang buong United Nations ay nagsusumikap na itaguyod and mga karapatang pantao, bawasan ang kahirapan, bakahin ang mga sakit, at protektahan ang kapaligiran. Pinamumunuan din ng United Nations ang mga pandaigdigang kampanya laban sa kalakalan sa droga at terorismo. Ipinagdiriwang ang UN Day sa buong mundo upang mapalawak ang kaalaman sa mga gaain, layunin, at tagumpay ng UN at ang pamilya nitong specialized na mga ahensiya, lalo na sa pananatili ng kapayapaan at kawanggawa, pangangalaga ng kapaligiran, pagtataguyod ng mga karapatang pantao, kalusugan at nutrisyon; at pagkalinga sa mga refugee. Ngayon, mayroon nang 193 member-nation ang UN, pati na ang pinakabagong mga miyembro nito na Nauri, Kribati, at Tonga noong 1999; Tuvalu at Yugoslavia noong 2000, Switzerland at East Timor noong 2002, Montenegro noong 2006, at South Sudan noong 2011. Paano nagsimula ang United Nations? Ang ideya ng pinagmulan ng United Nations ay nabuo noong World War II. Nang panahong iyon, ang mga pandaigidig na lider na nakipagtulungan upang tapusin ang digmaan ay nangarap na magkaroon ng mekanismo na tutulong na magbunsod ng kapayapaan at pigilan ang mga darating pang digmaan. Naisip nila na mangyayari lamang ito kung lahat ng mga bansa ay magtutulungan sa pamamagitan ng isang pandaigdig na organisasyon. Ito na an gang United Nations. |